TOPS FORUM, TATALAKAY SA MANILA 30TH SEA GAMES


PANGUNAHING paksa ang 30th Southeast Asian Games na idaraos sa Manila sa pagpasok ng taong 2019 sa Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa fifth “Usapang Sports” sa National Press Club Manila, bukas.
Imbitado sa 10 a.m. na sports forum si 2019 SEAG chef de mission Monsour del Rosario, SEAG organizing committee executive director Tom Carrasco at swimming champions Eric Buhain at Ral Rosario.
Sina Del Rosario, Buhain at Rosario ay pawang mga outstanding athletes noong kapanahunan nila ay magbibigay ng update sa paghahanda ng bansa maging sa tsansa nila sa nalalapit na SEA Gmes sa Nob. 30 hanggang Dis. 11 sa Manila.
Nakasungkit si Del Rosario, kilala bilang “Mr. Taekwondo”, ng ilang medalya para sa bansa sa SEA Games, Asian Games at World Championships mula 1982 - 89. Nakopo niya ang gold medals noong 14th SEA Games sa Jakarta noong 1987 at 15th SEA Games sa Kuala Lumpur noong 1989 at bronze medals sa World Championships noong 1985 at 1986 sa Seoul.
Si Buhain ay tinagurian noon na “Miracle of ’91" nang masungkit ang 6 na gold medal sa swimming at pangunahan ang Pilipinas sa 91 gold nang mag-host ang ‘Pinas sa SEAG.
Ini-appoint si two-time Olympian Buhain ni Pangulong Macapagal-Arroyo bilang pinuno ng PSC noong 2001 at sa Games and Amusement Biard (GAB) noong 2005.
Si Rosario ay naging PSC Hall of Fame awardee noong 2016. Siya rin ay naging gold medalist noong 1978 Bangkok Asian Games at kinatawan ang bansa sa Munich at Montreal Olympics noong 1972 at 1976.
Ayon kay TOPS president Ed Andaya, ang weekly session ay bukas sa publiko, kabilang na ang mga miyembro ng sportswriting fraternity ng tabloids. (MC)





Comments