top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Team Duterte na sabit sa katiwalian, pinangalanan | KAWAWA NAMAN KAMI!

  • Madel Moratillo / Mylene Alfonso
  • Jan 9, 2019
  • 2 min read

IDINEPENSA ng Ma­lacañang ang mga opisyal ng gobyerno na kailangang ipa­alam muna sa mga inirerek­lamo bago ilabas ang panga­lan sa publiko.

“Sa akin, if you ask me as a lawyer, dapat bigyan mo ng pagkakataon din iyong idinidemanda mo. Kasi in my office where we receive complaints against a parti­cular agency or a particular government offi­cial, ang ginagawa namin, pinapa­dala ko doon sa person con­cerned or agency concerned, ‘Oh, may reklamo rito, please respond… kahit anong response mo’,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Malacañang.

“Hindi mo dapat nilala­bas kaagad iyon kasi other­­wise, you might be unneces­sarily maligning a re­putation na walang basis eventually. Kawawa rin naman,” dag­dag pa ni Panelo.

Nauna rito, kinumpirma ng Presidential Anti-Corrup­tion Commission (PACC) na tatlong miyembro ng gabi­nete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang iniim­bestigahan sa isyu ng kati­walian.

Ayon kay Atty. Manue­lito Luna, Commissioner ng PACC, ang tatlong iniimbes­ti­gahang kalihim ay sina TESDA Director General Isidro Lapeña, National Com­mission on Indigenous People Chairperson Atty. Leo­nor Quintayao at Labor Secre­tary Silvestre Bello III.

Ani Luna, nagsimula ang imbestigasyon nila kay Bello matapos silang makatanggap ng reklamo ng ilang may-ari ng agencies laban dito.

Dahil naman aniya sa kontrobersiyal na shabu ship­ment sa BOC ang da­hilan ng imbestigasyon kay Lapeña habang neglect of duty naman ang dahilan ng imbes­tigasyon kay Quinta­yao at dawit din sa imbesti­gasyon ang ilang regio­nal directors ng NCIP.

Dagdag pa ni Luna, tar­get nilang tapusin ang im­bestigasyon sa mga kalihim sa Pebrero na nasimulan na­man noong nakaraang taon. Kapag aniya natapos na ang imbestigasyon, mag­susumite sila ng rekomen­dasyon kay Pangulong Du­terte.

Samantala, pumalag si Bello sa nasabing imbesti­gasyon. Giit ni Bello, unfair para sa kanya na agad isapubliko ang nasabing imbestigasyon lalo’t wala pa naman siyang natatanggap na kopya ng reklamo.

Aniya, dapat ay discreet ang ginagawang imbes­tigasyon ng PACC para maging patas sa lahat. Nalaman lamang umano ni Bello sa news report ang nasabing aksiyon at hindi man lang siya ina­bisuhan.

Kaugnay nito, inihayag ng kalihim na hihilingin niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa pu­westo si Luna dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page