top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa mga GGSS d‘yan, read n‘yo, ‘to! PAGSE-SELFIE, BAD SA HEALTH!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2019
  • 2 min read

SELFIE rito, selfie roon, ito ang isa sa mga ma­dalas gawin ng karamihan dahil sa nakaaaliw na ‘selfie filters’ o dahil gusto lang talaga nilang kumuha ng mga litrato. Pero, mga lodi, knows ba ninyo na ang labis na pagse-selfie ay bad sa health? Weh, ‘di nga?

Ayon sa mga eksperto, ang labis na pagse-selfie ay ma­aaring maging dahilan ng pagkakaroon ng hindi magandang kondisyon sa nerve. Tinatawag itong ‘selfie wrist’ kung saan nakararanas ng pamamanhid at pagkirot sa wrist o bandang pulso ang si­nu­mang may­roon nito.

Ayon kay Dr. Levi Har­rison, ortho­pedic sur­geon, mara­ming pas­yente na ang nakitaan niya ng nasa­bing kondis­yon na maihahalintulad niya sa Carpal Tunnel Syndrome.

Bagama’t, patok na patok at mas accessible na umano ang mga photo-editing technology, maaari pang tumaas ang bilang ng mga tao na mayroong ‘selfie wrist’.

Ang Carpal Tunnel Syndrome ay nangyayari kapag ang median nerve ay napisil kaya nagkakaroon ng pamamanhid o pagkirot, gayundin ang labis na pagkuha ng litrato o pagse-selfie ang dahilan kung bakit nati-trigger ang pagkakaroon ng Carpal Tunnel Syndrome.

Iba’t ibang pag-aaral ang nagpatunay na ang labis na pagkuha ng selfie ay mayroong hindi magandang epekto sa indibidwal.

Noong July 2018, isang pag-aaral mula sa All India Institute of Medical Sciences ang nakapagpatunay na 250 katao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang namatay habang nagse-selfie mula noong October 2011 hanggang November 2017.

Samantala, August 2018 nang napag-alaman ng mga researcher mula sa Boston Medical Center na ang selfie filters ay nagbibigay ng mindset sa mga kabataan na magpa-plastic surgery dahil pinagaganda nito ang kanilang mukha.

Sa ganu’ng paraan, naeengganyo ang mga kabataan na lalo pang mag-selfie.

Ayon sa mga eksperto, hindi nila ipinagbabawal ang pag­se-selfie o paggamit ng cellphone, ngunit, kapag nakaranas ng pamamanhid at pagkirot sa bandang pulso, inirerekomenda ng mga ito na dahan-dahang ipaikut-ikot habang nakabukas ang mga kamay o kaya ay i-wave ang mga kamay sa loob ng ilang minuto.

Samantala, upang maiwasan ang nasabing karamdaman tuwing magse-selfie, mabuting gumamit ng selfie, stick, ayon sa mga dalubhasa.

Oh, ayan mga beshy, hindi masamang mag-selfie pero hinay-hinay lang, ha? Huwag ninyong kalilimutang gawin ang exercise na inirekomenda ng mga eksperto upang maiwasan ang pagkakaroon ng ‘selfie wrist’.

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page