RAMOS, PLAZA, LAGON AT ANG SA PITMASTERS CUP
- BULGAR

- Jan 9, 2019
- 1 min read

LALAHOK ang limang promoters ng “2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby” na sina Mr. Charlie “Atong” Ang, Sonny Lagon, Mr. Gerry Ramos, Eddiebong Plaza at Mr. RJ Mea kasama ang iba pang kilalang pangalan sa industriya ng sabong sa pinakahihintay na big-time derby ng taon na gaganapin ngayong Enero.
Ito ay gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila mula Enero 17 hanggang 26, maglalaban-laban ang mga kasali para sa premyo na 15,000,000 piso at tropeyo.
Maliban sa P88,000.00 pot money at hindi bababa sa P55,000.00 na pusta at pinapayagan ding lumahok ang mga binabaeng panabong sa arsenal ng kanilang “fighting cocks”. Gaganapin sa Enero 17 at 18 ang “2-Cock Elims” kasunod ng isang araw na pahinga.
Gaganapin sa Enero 20 ang “USA vs. Philippines 25-Cock Main & 6-Cock Big Event”. Ipapatalastas din sa naturang event ang nalalapit na laban nina Pacquiao at Broner. Ang “3-Cock Semis (Set A & B )” ay magaganap sa Enero 21 at 22 kasunod muli ng isang araw na pahinga.
Darating ang “4 Cock Pre-Finals (3 & 3.5 points) sa Enero 24. Pagpapahingahin ang mga panabong ng Enero 25. Ang engrandeng “4-Cock Grand Finals (4, 4.5 & 5 points) ay gaganapin sa Enero 26.
Pinangungunahan ni Ang. Lagon, Ramos, Plaza at Mea at sa tulong ni Mr. Eric Dela Rosa ng Thunderbird, VNJ, Thor, Experto at BMEG ang pag-sponsors ng event katuwang ang Resorts World Manila. (MC)





Comments