Kaya kailangang open-minded ka, lodi! MGA NEGOSYONG SUWERTE NGAYONG 2019

OPEN-minded ka ba sa business, lodi? Kasabay ng pagpasok ng Bagong Taon, dapat ay mayroon na tayong pinagkakaabalahan na pagkakakitaan. Kaya mga beshy, narito ang ilang patok na negosyo na puwede ninyong subukan ngayong 2019:
1. BUY-AND-SELL CLOTHES. Patok ito sa mga mahihilig mag-OOTD (outfit of the day), lodi. Kung ikaw ay may talent sa pamimili ng mga damit sa ukay-ukay, eh, for sure, na bagay sa’yo ang negosyong ito. Sa tulong ng facebook at instagram, siguradong makabebenta kayo rito. Ang tanging puhunan n’yo lang ay tiyaga at sense of fashion. Okie?
2. HEALTHY MEAL PLANNING. Ang negosyong ito ay makatutulong sa mga kababayan natin diyan na mayroong ‘Oplan Balik-alindog Program 2019’, pero walang oras na magplano ng kanilang kakainin. Kung fitness master ka na may balak mag-negosyo, try mo na ‘to!
3. FOOD CATERING. ‘Ika nga nila, “you can never go wrong with food” pagdating sa business, kaya go ka na rito, beshy! Hindi mo kailangan ng maraming kliyente para kumita rito dahil ang mga kamag-anak o kakilala mo ay puwede mong maging customer. Gets mo?
4. PET GROOMING. Pet lover at may kakayahan ka bang mag-groom? For sure, kering-keri mong simulan ang negosyong ito. Hindi mo na kailangan ng shop dahil puwede itong gawin sa pamamagitan ng home service. Oh, ‘di ba, kumita ka na, nakakilala ka pa ng bagong pets? He-he-he!
5. FOOD CARTS. Sa dinami-raming mall at plaza ngayon, siguradong mabenta ang pagkain sa mga puwestong ‘yun. Kahit 2019 na, puwede ka pa ring magsimula sa pagtitinda ng streetfoods tulad ng mga tusuk-tusok o french fries at burger, gayundin, kung medyo may budget ka, puwede ring mag-franchise ka na. Kahit anong klaseng pagkain ‘yan, tiyak na magugustuhan ‘yan ng mga Pinoy. Oh, ‘di ba, bongga?
6. EVENTS DESIGN. Kung creative ka at may kakayahang bumuo ng set design, para sa’yo ‘to, lodi. Ngayong 2019, tiyak na marami ang magse-celebrate ng birthday, reunion at kasal, kaya perfect ang negosyong ito para sa’yo. Hindi mo kailangang maging parte ng malaking production dahil puwede ka munang mag-freelance bilang stepping stone.
7. BLOGGING. Kung may regular kang trabaho, pero kailangan mo pa ng extra income, para sa‘yo ‘to, beshy! Puwedeng-puwede rin ito sa mga estudyante na mahilig magsulat. Basta may cellphone, computer at internet ka, sigurado na kering-keri mong gawin ito sa free time mo.
Hindi na natin kailangan ng malaking puhunan para masimulan ang mga negosyong ito. Tiyaga at pagmamahal sa trabaho ang pundasyon upang magtagumpay tayo sa mapipili natin business. Kaya mga lodi, kung pagnenegosyo ang trip ninyong gawin, try n‘yo na ‘to.
Copy?





Comments