top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

Iba’t ibang dahilan ng pag-atake ng asthma

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Dalawa sa aking mga anak ay may hika. Marahil, namana nila ito sa kanilang ama at lola. N’ung una, iniisip namin na baka dahil sa alaga naming aso kaya ipinamigay namin ito subalit, hindi nawala ang kanilang hika. Sadya bang namamana ito at maraming posibleng pagmulan? — Mrs. Alfonso

Sagot

Ang hika ay pangkaraniwan mapabata man o matanda ay wala itong pinipili. Isa itong pangmatagalan at pabalik-balik na sakit sa baga o lungs ang naaapektuhan. Paliwanag ng mga eksperto, ang hika o asthma ay ang pamamaga ng bronchial tubes. Kapag ito ay namaga, nagiging sanhi ito ng pagkipot ng daanan ng hangin sa baga.

Narito ang iba’t ibang sanhi ng pag-atake nito:

• Maruming kapaligiran — tulad ng polusyon, maruming hangin, mabahong amoy, alikabok at usok.

• Henetiko — namamana ang sakit na hika o asthma at karaniwang naaapektuhan nito ay ang mga bata dahil mahina pa ang kanilang panlaban o immune system.

• Medical Condition — sa medisina, ang hika ay allergy at madalas na inaatake nito ang mga tao, partikular na ang mga batang mahina ang immune system.

• Kapag natuyuan ng pawis sa likod, lalo na sa mga bata.

• Sobrang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

• Matinding emosyon dulot ng stress o depresyon.

Narito ang ilan sa mga sintomas ng hika na dapat bantayan:

• Hirap sa paghinga na may kasamang paninikip ng dibdib.

• Hirap matulog dahil sa discomfort sa paghinga.

• Mayroong whistling sound (sipol) kapag humihinga.

• Madalas na pag-ubo na may kasamang plema.

• Sobrang panghihina ng buong katawan.

• Kawalan ng gana sa pagkain.

• Mabilis mapagod.

Gayunman, mas makabubuting magpa­tingin agad sa doktor kung maranasan ang isa o ilan sa mga sintomas na ito upang mabigyan ng mas naaayong payo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page