Empleyado ng dept. of agriculture kulong sa shabu at baril
- Levi Gonzales
- Jan 9, 2019
- 1 min read

KALABOSO ang empleyado ng Department of Agriculture at kasama nito matapos ikasa ang buy-bust operation sa Bgy. Talisay, Tiaong, Quezon.
Alas-7:30 ng gabi nang ipinain ng nagpanggap na buyer ng droga ang marked money laban sa mga suspek na sina Ferdinand Philip Lalas, 30, at Billy Jay Agonia, ng San Pablo City.
Nagpositibo silang tulak ng droga makaraang iabot ang isang pakete ng hinihinalang shabu.
Narekober pa sa kanila ang nasa higit walong gramo ng pinaniniwalaang shabu, isang cal. 9mm, isang cal.22, mga bala at drug paraphernalia.





Comments