DOMINANTENG TEAM SA PHL CUP PIPITPITIN; TIU, RETIRADO NA

IHINTO na ang dominanteng pangunguna ng San Miguel Corporation franchise! Iyan ang battle cry ng mga koponan na gutom sa titulo sa 44th PBA Season na lalarga sa Enero 13 kung saan ipagtatanggol ng San Miguel Beer ang titulo sa Philippine Cup na gagawin sa Philippine Arena sa Bulacan tampok ang isang laro ng Barangay Ginebra kontra mortal na karibal Talk ‘N Text.
Magsasagupa ang Kings at TNT ng 6:30 p.m. matapos ang makulay at magarbong opening ceremonies tampok ang mga celebrities at beauty queens na gaganap bilang muse ng 12 kalahok na teams tampok din ang 43rd Season Leo Awards.
Sasabak ang SMB sa Enero 18 vs. nagpalakas na Columbian Dyip bago ang sagupaan ng Rain or Shine at NLEX. Dinomina ng mga team ng SMB ang PBA kung saan ang Beermen, Barangay Ginebra at ang huli ang Magnolia Hotshots na umangkin ng korona sa Governor’s Cup vs. Alaska Aces ni coach Alex Compton.
Determinado ngayon ang mga kalaban ng tatlong sister teams na wakasan ang kanilang tikas sa PBA at mabago ang senaryo.
“Rest assures the 44th season will be more interesting and exciting to watch. This year’s PBA season is loaded with better financial performance,” pagsisiguro ni PBA Chairman Ricky Vargas sa press conference kasama si Commissioner Willie Marcial at Board of Governors ng 12 participating teams.
Ang elimination ay tatagal ng apat na buwan at magtatapos sa Abril 3 tampok ang dalawang laro ng Magnolia vs. NLEX at Ginebra kontra Bolts. Maglalaro ang 12 teams sa single round robin at bawat koponan ay maglalaro ng 11 games. Ang top 8 teams ay aabanse sa q’finals at ang 9th to 12th place ay eliminated.
Ang top 4 teams ay papasok sa semis, maghaharap sa best-of-7 playoffs at ang top 2 teams ay magtutunggali best-of-7 title series. Labing-dalawa ang provincial games, walo sa Ynares Center sa Antipolo at ang iba ay gagawin sa Calasiao (Pangasinan), Digos City (Davao del Sur), Panabo City (Davao del Norte), at Angeles (Pampanga). Samantala, pormal nang inanunsiyo ni Rain or Shine guard Chris Tiu kahapon ang pagreretiro niya sa basketball. Sa isang tweet, inanunsiyo ni Tiu na oras na para lisanin na ang sport na una niyang minahal.
“It’s now time to move on. My heart is full. #17 signing off,” saad ni Tiu na na-draft ng Rain or Shine noong 2012 at inilaan ang buong professional career sa prangkisa.





Comments