top of page
Pokwang.jpg

Bagong raket ng mga kawatan sa mga pampasaherong dyip, buking!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2019
2 min read

NGAYONG tapos na ang Pasko at Bagong Taon, ang mga kawatan ay nambibik­tima naman sa mga komyuter ng pampasaherong jeep.

Tatlong demonyong kalalakihan ang sumasakay sa pampasaherong jeep ang nambibiktima ng mga estudyante, partikular na ang mga ka-BULGAR nating abala sa pakikinig ng musika sa kanilang cellphone.

Sa tatlong kawatang ito, isa ang may hawak ng cell­phone na nagkukunwa­ring may kausap at malakas ang volume ng boses nito na kumukuha ng atensiyon sa biktima. Kapag naingayan ang biktima, isa sa tatlong suspek ang pilit namang iniipit ang biktima at ang pangatlong walanghiyang kasabwat ang tututok sa bag ng biktima para nakawin ang mahahalagang gamit nito tulad ng wallet, alahas at cellphone.

Ang senyasan ng mga hinayupak na suspek ay ang pagtigil ng maingay na suspek sa kausap kuno nito kahit wala naman.

Kapag nagtagumpay na ang mga balasubas na suspek ay agad sisigaw ng ‘para’ ang maingay na suspek at isa-isa silang bababa sa dyip na parang hindi magkakakilala.

Ngayong Traslacion ng Itim na Poong Nazareno, sinasamantala ng mga balasubas ang ganitong raket dahil ang atensiyon ng mga ka-BULGAR natin ay tutok sa pista sa Quiapo kaya ang mga suspek ay tutok din sa pamemerhuwisyo sa mga kababayan nating sumasa­kay sa mga pampasaherong dyip dahil alam ng mga hinayupak na ito na hindi sila mahuhuli ng awtoridad dahil ang kanilang atensiyon ay naka­sentro sa nasabing okasyon.

Oh mga lodi, maging mapagmamatiyag at maki­ramdam tayong mabuti dahil ang mga gunggong na ito ay namamayagpag na naman. Mag-ingat at baka kayo na ang susunod na mabiktima ng mga salot na ito.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, wa­lang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page