Bago bumangga sa poste | OIL TANKER SUMALPOK SA TRAILER TRUCK

WALANG nadamay na pedestrian sa nangyaring salpukan ng oil tanker at 22-wheeler trailer truck sa Lungsod ng Quezon.
Nangyari ang insidente sa intersection sa kahabaan ng Sto. Domingo Avenue sa kanto ng Maria Clara St., Bgy. Sienna.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 2, bumangga muna ang oil tanker sa nabanggit na trailer truck bago bumangga sa poste ng kuryente.
Nabatid na may dalang gasolina ang tanker na nakatakdang dalhin sa Marikina City.
Pareho umanong hindi nagmenor ang dalawang trak pagdating sa intersection ng naturang kalsada na dahilan ng salpukan.
Nayupi ang unahang bahagi ng tanker dahil sa lakas ng pagkakabangga habang agad namang nilapatan ng lunas ang nasugatang driver nito.





Comments