top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Tulak nanlaban, todas

Levi Gonzales
Jan 8, 2019
1 min read

NANLABAN umano bago napatay ng kapulisan ang isang notoryus na tulak ng droga sa Bgy. San Gabriel, San Pablo City, Laguna.

Alas-4:35 ng hapon nang ikinasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation laban sa suspek na si Rodel Lacerna.

Nakabili mula sa suspek ng isang pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakatunog umano ito na pulis ang kanyang kausap hanggang sa bumunot ng baril at ipinutok sa kanila dahilan naman ng pagganti ng mga awtoridad.

Duguang bumulagta ang suspek na naging dahilan ng kanyang kamatayan saka narekober ang ilan pang pakete ng hinihinalang shabu at baril na ginamit nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page