Secret daw… HEART, ‘DI PUWEDENG MAGBUNTIS


NAIINTRIGA ang mga fans at supporters ni Heart Evangelista kung ano ang ‘top secret’ na itinatago niya na ayaw muna niyang malaman ng publiko.
May mga nagsasabi at nanghuhula na baka buntis na ulit ang wifey ni Sen. Chiz Escudero. May mga nagsasabi ring baka matutuloy na ngayong 2019 ang launching ng Love Marie bags, clutches at kitchen wares.
Well, hindi naman siguro agad-agad susubo si Heart sa pagbubuntis dahil siya ang magho-host sa bagong season ng StarStruck. At tutulong din siya sa kampanya ng kanyang mister na si Chiz na kakandidatong governor ng Sorsogon. Mai-stress at mapapagod siya nang husto sa campaign trail kaya hindi muna dapat magbuntis.
At this point of her life, marami pang planong gawin si Heart sa kanyang buhay. May mga offers na endorsements, painting exhibit, modeling job, atbp.. Pero, hindi naman niya basta maiiwan ang pag-aartista.
Bukod sa hosting, gusto pa rin niyang lumabas sa isang serye ng Kapuso Network. Pero, hindi kakayanin sa sobrang hectic ng kanyang schedule.





Comments