Safety, unahin bago mag-mega join sa Traslacion, ganern!

HAPPY fiesta! Talaga tayong mga Pinoy, walang kahilig-hilig sa mga pagdiriwang. Hindi pa nga nakage-get-over sa Holiday Season, eh, heto at nakaabang na tayo sa mga pista o pagdiriwang ng ating mga santo na nagpapatatag ng ating pananampalataya.
Bukas, milyun-milyong friendships natin ang dadalo sa taunang Pista ng Itim na Poong Nazareno. Tapos sa mga susunod na linggo naman, eh, may Ati-atihan festival at Sinulog sa Visayas. Hindi pa matatapos ang Enero, eh, pista naman ng Sto. Niño ang ating ipagdiriwang.
As usual, game na game pa rin tayo. Masaya kaya ang ganitong mga pagdiriwang na talagang nakaaalis ng mga problema dahil hindi lang tayo napasasaya nito kundi nagbibigay din ito sa ating ng pag-asa.
Ngayon, na nakaabang tayo sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Poong Nazareno, again, magpapaalala ulit tayo. Oo, alam nating taun-taon na lang ay may reminder tayo at sasabihin ninyong ang kulit ni Manang Imee, pero iba na ang nag-iingat kaya please, huwag tayong maging pabaya sa ating sarili kung sakaling mega join tayo sa Traslacion!
Ibig sabihin, kung kayo ay may karamdaman tulad ng high blood o anumang hindi maganda, huwag nang makipagsiksikan sa mga tao na magtutungo at sasama sa prusisyon para iwas-disgrasya o sakuna at iwas-abala na rin sa iba pang mga debotong dadalo rin sa okasyon.
Kung buntis, kesehoda dalawa o limang buwan huwag nang makulit at pasaway. Huwag nang sumama sa prusisyon dahil delikado ‘yan sa inyong kalagayan. Ang mga magulang na sumusunod sa tradisyon o panata, huwag na ninyong isama ang inyong mga maliliit na tsikiting. Huwag silang hayaang mabugbog sa napakaraming tao at mapagod nang todo. Kawawa naman ang mga bagets. Kung ang ikakatwiran ninyo ay para maipasa sa inyong mga anak ang panata o tradisyon ng inyong pamilya, jusko, puwede itong ipaalam sa kanila kahit hindi sila isabak agad. Isa pa, maaari ninyong ipasa ang inyong panata at tradisyon sa pagpapaliwanag sa kanila nang maayos. Sa tamang oras o panahon ay higit nila itong maiintindihan nang hindi ninyo isinusugal ang kanilang kaligtasan. Basta, mag-ingat na lang tayo mga friendship at huwag maging pasaway!





Comments