top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pati upa sa bahay tumaas, nakupo!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2019
2 min read

GRABE na ang sitwasyon sa bansa.

Hindi na mapigil ang taas sa presyo ng mga bilihin at singil sa serbisyo!

◘◘◘

Bukod sa mataas na presyo ng bigas, tumaas na rin ang upa sa bahay.

Dahil dito, dapat maghanap ng paraan ang Malacañang na matugunan ang pagtaas sa housing costs dulot na rin ngTRAIN Law at Value Added Tax costs na ipinapasa sa mga umuupa!

◘◘◘

Base sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, tumaas ang housing rentals kung saan sa pinakahuling inflation data noong Setyembre, ang housing rentals ay nasa 0.40 percentage points ng total na 6.7% inflation.

Maaaring pagsamahin ng Palasyo ang Bureau of Internal Revenue at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) upang masiguro na hindi naaabuso ng mga landlord at iba pang lessor ang VAT sa ilalim ng TRAIN Law para magtaas ng sobra sa upa!

◘◘◘

Ayon sa TRAIN Law (RA 10963), tanging ang mga residential unit na may buwanang upa na hindi lalagpas sa P15,000 ang exempted mula sa VAT.

Dahil tanging upa na P10,000 pababaang nasa ilalim ng HUDCC rent control, nasa mga kamay ng nagpapaupa ang itataas na renta sa mga lower middle income household na lagpas sa P10,000 ang renta!

◘◘◘

Upang maprotektahan ang mga tenant, dapat mag-deputize ang HUDCC ng mayors, governors at iba pang LGU officials para mabantayan ang singgil sa upa at maaksiyunan ang mga mapagsamantala at abusadong landlord.

Bigo ang gobyerno na makasaklolo sa mamamayang apektadong inflation!

◘◘◘

Tuliro ang mga nasa pamahalaan.

Aminado si P-Digong na hindi niya kayang solusyunan ang problema!

◘◘◘

Paano ngayon ang sitwasyon? Panonoorin na lang ba ito ng mamamayan?

Sa pagdating ng eleksiyon sa Mayo,tiyak na maparurusahan ang mga “manok” ng Malacañang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page