top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para sa mga nawawalan na ng pag-asang suwertehin... MGA DA

  • Donna Thea Topacio
  • Jan 13, 2019
  • 2 min read

Color of the year from karmaweather.com

MASARAP sa mga mata at nakapagbibigay ng gana at buhay, ‘yan ang silbi ng kulay sa mundo, kaya tuwing nagbabago ang taon, nagbabago rin ang ating lucky colors. Marahil, nalilito na tayo kung bakit paiba-iba ang sinasabi tungkol sa masusuwerteng kulay ngayong taon? Don’t worry dahil narito ang legit na lucky colors at ang kahulugan nito sa ating buhay:

1. RED. Matagal nang ginagamit ang kulay pula sa paggawa ng logo ng mga restoran dahil nakaaakit talaga ito sa mga mata. Ayon sa feng shui, ito umano ang tumatayong “stimulator” sa lahat ng mga kulay. Kaya, alam n’yo na, ha?

2. PINK. Karamihan sa mga babae, ito kaagad ang pinipiling kulay dahil ang lakas nitong makakikay, mga sissy! Pero, bukod umano rito, ito ang kulay na nagrerepresenta sa love, romance at partnership, kabog!

3. ORANGE. Marami ang natitingkarang masyado sa kulay orange, pero no choice tayo dahil isa ito sa mga masusuwerteng kulay ngayong taon. Ito ay nakapo-promote ng happiness, kaya para sa mga always lonely diyan, gumamit ng kulay orange nang sa gayun ay sumaya naman tayo ngayong 2019. Okie?

4. WHITE. Malinis at nakagagaan sa pakiramdam ang kulay puti, pero bukod sa paniniwala nating purity ang sinisimbolo nito, base sa feng shui, ang kulay puti ay nakaku-cultivate ng clarity, precision at communication. Oh, sa mga magugulo kausap diyan, ito na ang kulay para sa inyo. He-he-he!

5. YELLOW/GOLDEN. Tulad ng ginto, ang kulay na ito ay dapat talagang pagyamanin dahil sinisimbolo nito ang power, gayundin na nakai-stimulate ito ng health, patience at wisdom.

Oh, ayan, make sure na ganitong mga kulay ang bibilhin at susuotin ninyo nang sa gayun ay suwertehin tayo, hindi lamang sa career kundi maging sa love life rin.

Ito na ang chance ninyo, kaya, grab it! Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page