top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PACMAN, TODO POKUS SA TRAINING BRONER, LAGING NASA HEARING

  • MC/Alvin Olivar
  • Jan 8, 2019
  • 2 min read

WALANG ibang bagay sa isipan ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao kundi ang kanyang kasagupa na si Adrien Broner sa Enero 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Mula sa pagpapahinga ni Pacman, bago matulog, hanggang sa panaginip, sa pag-aaral ng mga video fights ni Broner, sa mga kahinaan ng Kano, sa mga mahihinang parte ng katawan ni Adrien, lahat iyan ay masusing pinag-aaralang mabuti ng kampo ng Pinoy champ kung paano masusukol sa ibabaw ng ruwedang parisukat ang balbasing si ‘The Fugitive’ na bagong taguri ni Hall of Fame trainer Freddie Roach dahil na rin sa patung-patong na kaso na kinaharap nito kamakailan na orihinal na may katawagang ‘The Problem.’

Todo ang atensiyon ni Manny dahil dalawang linggo na lamang ay malapit na ang kanilang bakbakan kahit na may ugong-ugong na may rematch sila ni Floyd Mayweather Jr. matapos ang bakbakang Broner.

Kahit na handa na siya para kay Broner, paulit-ulit siyang tinatanong hinggil sa rematch kay Mayweather na tumalo sa kanya noong Mayo 2015. Mas lumakas ang sapantaha nang magwagi sa exhibition match ang mamang itim sa Japanese kickboxer noong Bisperas ng Bagong Taon. “I’m not thinking about that,” ayon sa 40-anyos na si Pacman sa Boxing Scene, nang tanungin sa rematch kay Floyd.

Samantala, habang abala sa training si Pacman, ang challenger naman niya na si Broner ay abala hindi sa training kundi sa pagdalo ng kanyang court hearings bunga ng patung-patong na kaso na kinahaharap niya.

Ayon sa Philboxing, apat na sparring kada isang araw ang ginagawa ni Pacman kay Greek-Australian lightweight George Kambosos Jr. at Arnold Gonzales, sa two rounds na lamang mula sa 10 round na frequency na ginawa nila ng nakaraang linggo. Kahit na ang 4-round session sa mitts sa kanyang training consultant na si Roach ay mas magaan na lang kumpara sa 8 -12 rounds araw-araw ng nakaraang dalawang linggo. “The tough and rough days that marked Manny’s preparations since we pitched camp in Manila and General Santos City are finally over,” ayon kay trainer Buboy Fernandez.

“Starting Monday, medyo makapagpapahinga na siya and we, too, in the training team, can finally take rest and focus our attention finalizing our game plan as to how to make Manny win the fight not only for himself, but for the country as well, especially,” ani Buboy.

Inaasahan din na sinuman ang magwawagi kina Pacman at Broner ang haharap kay Floyd, pero wala kay Floyd ang pokus ni Pacquiao. “I’m not thinking about that, my focus is Adrien Broner. It’s all about that. Maybe we can discuss Mayweather after this fight,” ani Pacquiao. “I’m not worried about what Broner brings, I just have to stay focused and be 100% conditioned. The Mayweather fight, that was an exhibition. His opponent was a young kid with no experience,” sabi ni Pacquiao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page