top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Misis timbog sa droga

Maeng Santos
Jan 8, 2019
1 min read

KULONG ang 44-anyos na misis matapos maaresto ng mga awtoridad sa iligal na droga sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Maritime Police Station Head Supt. Marlo Kamatoy ang naarestong suspek na si Emely Montes alyas Diding, ng Bgy. NBBN.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Ernesto Ravanera, Jr., ala-1:30 ng madaling-araw, nagpapatrulya ang mga tauhan ng NMPS sa pangunguna ni SPO2 Manny Vidal sa kahabaan ng Palengeke St. NFPC nang mapansin ng mga ito ang isang lalaki na may iniabot na plastic sachet kay Montes.

Nang mapansin ng lalaki ang presensiya ng mga pulis, mabilis itong tumakas habang nadakip naman si Montes at narekober sa kanya ang plastic sachet na nag­la­la­man ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page