Kandidatura ni Roque, inisnab ni P-Duterte?! Hmmm...

KANDIDATURA NI HARRY ROQUE, JR., TABLADO KAY P-DUTERTE?—Sa birthday party ni dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino ay ikinampanya ni P-Duterte na iboto sa pagka-senador sina Tolentino, ex-PNP Chief Roland “Bato” dela Rosa at dating SAP Bong Go, pero kahit naroon din sa okasyon ang dating spokesman ng pangulo na si Atty Harry Roque, Jr. na kandidato rin sa pagka-senador ay hindi ito ikinampanya ng pangulo.
Hindi man aminin ni Atty. Roque, siguradong masama ang loob niya kasi akala niya kabilang siya sa kandidato ng pangulo, pero nang hindi siya kasama sa ikinampanya ni P-Duterte ay lumalabas na hindi pala siya kabilang sa mga “manok” ng pangulo sa pagka-senador, boom!
◘◘◘
SOBRANG TAAS ANG 5.2% INFLATION RATE NGAYON KUMPARA SA INFLATION RATE 2.6% NOONG 2016 AT 3.3% NOONG 2017—Isang uri ng panloloko sa publiko ang ibinida ni Budget Sec. Benjamin Diokno na sa huling quarter ng 2018 at hanggang ngayon ay bumaba na raw sa 5.2% ang inflation rate o presyo ng mga bilihin sa bansa.
Panloloko, kasi hindi naman mababa ang 5.2% inflation rate kundi sobrang taas kung ikukumpara sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 2.6% inflation rate noong 2016 at 3.3% noong 2017, buwisit!
◘◘◘
PNP-REGION 3 DIRECTOR JOEL CORONEL, IPINANGONGOLEKTA NG PAYOLA NINA ‘ADARNA’ AT ‘ABDUL’—Lantaran na raw ginagamit nina “Adarna” at “Abdul” ang pangalan ni PNP-Region 3 Director, C/Supt. Joel Coronel para makapangolekta ng payola sa mga iligalista sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Bataan, Nueva Ecija, Zambales at Aurora.
Sigurado, may paglalagyan sina “Adarna” at “Abdul” kasi sa lahat pa naman ng ayaw ni C/Supt. Coronel ay ang may gumagamit sa pangalan niya sa “tongpats” collection.
Kailan kaya ipadadakma ni C/Supt. Coronel ang dalawang “tongpats” collector na ito? Abangan!
◘◘◘
VK SHABUHAN NI ‘RICO’, LUMAGANAP NA SA LAGUNA—Ginagawan na rin daw drug den ang puwesto ng mga VK o video karera ni “Rico” sa iba’t ibang barangay sa Laguna.
Dobleng-salot pala ang raket ni “Rico” sa Laguna kasi may VK na, may shabuhan pa.
Paging Laguna PNP Director Sr. Supt. Eleazar Matta, paki-raid naman ng puwesto ng VK-shabuhan at paki-"tokhang” na rin si “Rico,” plis lang!





Comments