top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Industriya ng babuyan, para manatiling ligtas, NAIA, dapat mag-ingat!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 8, 2019
  • 2 min read

KAMAKAILAN, sinibak ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol ang NAIA Quarantine Group dahil hindi umano ito sumunod sa alituntunin hinggil sa paglagay ng footbath at kumpiskahin ang lahat ng produktong baboy sa nasabing paliparan para harangin ang pagpasok ng African swine fever sa bansa. Bagama’t, hindi masama sa tao ang nasabing sakit, malubha ito sa buhay ng baboy. Ang dahilan ng nasabing grupo sa NAIA ay may problema sa pambili ng kagamitan, partikular ang mga footbath. Napakababaw na dahilang ito para sa lugar tulad ng NAIA.

Walang bakuna laban sa African Swine Fever at wala ring gamot kapag nagkasakit ang baboy kaya mahalaga na walang mahahawa sa mga babuyan. Dapat may footbath din sa mga babuyan para hindi ito kumalat at makapasok. Ang mga sapatos na ginagamit sa mga babuyan ay hindi dapat ginagamit sa labas. Ito ang dahilan kaya kailangang ang mga footbath sa paliparan at pantalan para hindi makapasok ang sakit. Sa ngayon, walang sakit ang mga baboy sa Pilipinas, pero kumakalat na raw sa China kaya dapat maging maingat para manatiling walang sakit ang estado ng industriya ng babuyan.

◘◘◘

Kung nasiyahan tayo sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel noong mga nakaraang linggo, mukhang babawi na ito. Nakakasang tumaas muli ang presyo ng nasabing mga produktong petrolyo ngayong linggo dahil sa pagkilos ng presyo ng langis sa mundo. Hindi pa ito ang karagdagang excise tax ng TRAIN Law. Sa ikalawa hanggang ikaapat na linggo pa papasok ang nasabing buwis. Ang mga lumang stock ng gasolinahan ay hindi pa dapat pinapatawan ng excise tax.

Hindi pa malinaw kung gaano kalaki ang ipapataw na buwis ng TRAIN Law sa produktong petrolyo. Baka magulat na lang ang mamamayan. Halos patapos na ang mahabang selebrasyon ng Pasko at tapos na rin ang maliligayang araw ng mababang presyo ng gasolina at diesel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page