Hikayatin ang mga estudyanteng linangin ang kanilang galing at talino sa Science

BAWAT bansa ay nangangarap na makalinang ng kabataang may mapanuring pag-iisip o tinatawag na critical minds.
Karamihan sa mga taong nagtataglay ng ganitong klase ng pagiisip ay ang mga kilalang scientist at imbentor tulad nina Marie Curie, Thomas Edison, Albert Einstein, Bill Gates at iba pa.
Sabi nila, kadalasang nakukuha ang abilidad sa critical thinking habang bata pa. Ngunit, hindi lahat ay kanilang nahuhubog dahil sa kakulangan ng suporta ng mga nakatatanda. Ang pag-angat ng lebel ng talino ng bata ay dapat isinusulong ng mga magulang at pinalalago sa eskuwelahan sa tulong ng mga guro.
Alam nating napakahalaga ng pag-aaral ng paksang Science sa klasrum dahil may malaki itong impluwensiya sa ating pang-araw-araw na buhay tulad ng pagkain, enerhiya, medisina, transportasyon, libangan at marami pang iba.
Pinag-aaralan ito ng mga estudyante upang maunawaan ang kapaligiran at ang mundong ating ginagalawan.
Ang pangunahing layunin ng mga modernong Science laboratory sa mga paaralan, tulad ng nasa Valenzuela City School of Mathematics and Science (ValMaSci) ay para malinang ang mga kakayahan sa pagpaplano, pagsasagawa ng imbestigasyon, magtaya ng mga kaalaman, pagkalap ng impormasyon at kumilos nang mayroong teamwork.
Malaki ang pakinabang dito ng mga school Science laboratory kung saan ginagawa ang mga siyentipikong pananaliksik para maging mapanuri at mapagdiskubre sa mga bagay bagayang mga mag-aaral.
Dahil sa mga bagong natutuklasan ng mga batang “scientist” na ito ay talaga namang tumatalasa ng kanilang kaisipan.
Ayon sa mga supervisor sa Science ng Department of Education National Capital Region (DepEd-NCR), narito ang mga malawak at malalim na benepisyo ng pagkakaroon ng Science laboratory na inaasahang patuloy na mapahahalagahan ng kabataan:
• Maisabuhay ang magandang kaugalian, moral at disiplina sa sarili.
• Maging madiskarte sa pag-eeksperimento.
• Matulungan ang mga bagong estudyanteng bagong kaisipan, pangarap at kakayahang magpasya ayon sa hamon ng buhay.
• Magkaroon ng kapasidad at lakas ng kaisipan para maging self-motivated at magkaroon ng inisyatibo tungo sa sosyal na pagbabago.
• Malaman nila na sila ay may likas na kakayahan, sigla at taglay na potensiyal na makamit ang kanilang mga pangarap.
• Malinang ang kakayahang gumawa ngistruktura upang malutas ang mga masalimuot na problema.
• Pag-aralan ang mga kaalaman na nagbabago, patuloy na lumalawak at tumutok sa mga ideya tungo sa pag-unlad.
• Maengganyo ang mga estudyante na lumikha, mag-eksperimento at mag-imbento tungo sa kahusayan at tagumpay.
Sa kabataan, kayo ay hinihikayat na linangin ang inyong galing at talino sa Science.
Bago magtapos ang School Year 2018-2019, sulitin ang lahat ng praktikal na natutunan upang mapakinabangan ito sa inyong paglaki.
Higit sa lahat, huwag kalimutang mag-enjoy!





Comments