top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gas station hinoldap

Gina Pleñago
Jan 8, 2019
1 min read

ISANG sangay ng gasoline station ang hinoldap ng dalawang armadong hindi kilalang lalaki at nilimas ang P37,000 kinita ng establisimyento at isang cellphone ng pump attendant sa Muntinlupa City.

Ayon sa inisyal na ulat, nangyari ang pang hoholdap alas-3:05 ng madaling-araw sa Petron Gasoline Station (Viaduct) sa Bgy. Alabang.

Habang nakatayo at naghihintay umano ng kostumer ang pump attendant na si Mark John Ramiro, nang dumating ang dalawang lalaki na mag kaangkas sa motorsiklo bago tinutukan ng baril ang una at nagdeklara ng holdap.

Inutusan ng mga suspek ang lahat ng pump attendant na pumasok sa cashier’s booth at isa sa mga salarin ang lumimas sa P37,000 na kita ng gasolinahan at cellphone na nagkakahalagang P8,000, na pag-aari ng pump attendant na si Reymel Ryan Jose.

Nagtungo agad sa pulisya ang kinatawan ng gas station na si Marvin Montano, upang ipaalam ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page