top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BASILAN AT NAVOTAS, SA WAKAS, NAKAKABAWI SA MPBL DATU CUP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 8, 2019
  • 2 min read

SINIMULAN ng Basi­lan ang Bagong Taon na may malakas na laro nang isang malaking panalo ang kunin laban sa kampeon na Batan­gas City maging ang Navotas ay nagawa ring talunin ang Bulacan sa isang big win sa MPBL Datu Cup, Sabado ng gabi sa Bulacan Capitol Gym sa Malolos.

Piningasan ng Steel ang Tanduay back Athletics, 94-89 upang manatiling buhay ang kanilang kontensiyon sa southern division ng torneo na inilunsad ni Senator Manny Pacquiao habang si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang Commissioner. Namuno si Macky Acos­ta sa Basilan sa bisa ng 21 points at bumida sa shooting stage ng Steel. Bumanat ang Basilan ng 43 percent shooting habang ang Batan­gas ay may 46 percent. Ang dalawang teams ay may pinagsamang league record na 25 tres puntos.

Para sa Steel, ito ang kanilang unang back-to-back victories sa franchise history. Naghabol sila mula sa 15 puntos na pagkaiwan hanggang sa 45-30 na iskor at nakaalagwa na.

Unang-unang lumider ang Basilan sa marking sa 5:42 ng third period sa bisa ng tres puntos ni Jhaps Bau­tista at mula roon ay naging gitgitan ang exciting finale. Ang dala­wang free throws ni Acosta sa huling 17 segun­do ang pi­na­kamalaking open­siba ng Basilan para iselyo ang pana­lo ng Steel, nanana­tiling nasa 11th spot ng southern division, pero umibayo ang win-loss record sa 6-12.

Habang nakabawi ang Basilan, nakontrol ng Navo­tas ang laban mula si­mu­la para dominahin ang laro sa 98-89 win kontra host team Bulacan.

Sa pamumuno nina veterans Jai Reyes at new recruits Jojo Duncil at Samboy de Leon, napatahimik ng Clutch ang home crowd, para kay coach Gabby Severino, ang dominasyon ng Navotas ay produkto ng good team defense. “Our mindset was to play good defense and that’s the reason why we were able to silence the crowd and Bulacan as a team,” dagdag ni Severino.

Tumapos si Reyes ng 24 puntos habang ang dalawang bagong dagdag na sina Duncil at DeLeon ay malaki ang ambag sa Clutch na umibayo sa 8-10 at umusad sa 6th spot sa northern division ng tor­neo. Si Duncil ay may 13 marka habang si De Leon ay may 11. (ATD/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page