ALAB PILIPINAS, MATIKAS VS.WOLF WARRIORS SA ABL
- BULGAR

- Jan 8, 2019
- 1 min read

INUBOS lakas na ng Alab Pilipinas ang lahat ng nalalaman bago iniligpit ang Chinese team Zhuhai upang manatiling walang bahid dungis sa 2018-2019 Asean Basketball League (ABL).
Si Renaldo Balkman ang palagiang bida sa team, pero si Ethan Alvano at Josh Urbiztondo ang nagsilbing tinik sa Wolf Warriors para sa final score na 105-95 noong Linggo ng gabi sa Lapu-Lapu Sports Complex sa Cebu.
Brilyo ang naging laro ni Balkman sa bisa ng 21 puntos, 7 rebounds at 5 assist at 2 steals, habang sina Alvano at Urbiztondo ay may 21 at 19 na marka. Ang laban ay dikit sa unang 12 minuto pero agad nanalo ang Pinoy sa 25-22 sa kaagahan ng second hanggang umarangkada si Urbiztondo ng 10 puntos at pasabugin sa 19-6 at idiretso sa 44-28 sa huling quarter.
Ang liderato at momentum ay hinawakan ng Pinoy hanggang sa final buzzer. Sa kabuuan, sina Urbiztondo at youngblood Alvano ang mainit sa laban at nakagawa ng siyam na triple score. Dagdag pa ang 2 basket ni Pao Javelona.
Ang tikas ng Puerto Rican at reinforcement na si PJ Ramos maging ni back-to-back Local MVP Ray Parks Jr. na may naiambag na 11 rebounds at 6 assists at 12 puntos ang umangat sa team. Ang Pilipinas ay undefeated na ngayon sa limang laro sa pagdepensa nila ng titulo. (VA/MC)





Comments