ADDITIONAL WIN IN GROUP CONDITION RACE, 3-YEAR OLD

MAGANDANG araw sa aking mga suking mambabasa ng BULGAR, nawa’y suwertehin kayo sa karerang magaganap ngayon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite.
Masasaksihan ng Bayang Karerista ang “Additional One Win in Group Races” sa Condition Race, 3-Year Old Group Race at 3 Year Old and Above Maiden Race.
Magsasagupa sa Race 1 ang Condition Race (17) ng 12 mananakbo at pinapaboran ang Miss Marshall habang magsisilbing kalaban ang Royal Jewel, Big Nevada, Batang Arrastre, ang couple entry na Navy Cut at Real Value at Ashley’s Gift na umpisa ng Winner-Take-All (WTA).
Sa Race 2, kung saan mag-uumpisa ang Pick 6, maglalaban ang pitong kabayo sa pag-alagwa ng 3YO Group Race (6-7), pinapaboran ang Two Timer, Iikot Lang, Gatighan Island.
Kung mamimili kayo ng dehado nariyan ang Always Ready ni Horse Owner B.U. Tecson. Apat na kalahok sa walong tatakbong kabayo ang pinapaboran ang Maybe This Time, Isang Kahigsangtuka, Here and Beyond Alta’s Charm at Rocking Star.
Subalit, napipisil ko ang DaanBantayan at Alta’s Charm para ilahok sa Pick 5 event. Mag-uumpisa ang Pick 4 sa Race 4 at ipinapatok ang Sizzling Hot at makakalaban ang Digame Jebel Ali sa Group Race (9).
Sa Race 5, napipili kong pamoste para sa Trifecta at Quartet ang Glitter Face at Premiere Danseur, isama sa paratingan ang couple entry na Persian Empire at Incoming Incoming. Maghaharap sa 3 YO and Above Maiden Race ang Samal Island at Trust Worthy sa Race 6.
Napipili kong dehado ang Anika’s Will at Kentucky Rain sa nasabing karera. Ipinapatok ko naman ang Jun Tailor sa Race 7 at panegundo ang Hiroshima sa Condition Race (16) na parating sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4.
Tip ni Mang Ding Race 1- Miss Marshall (7) Royal Jewels (10) Race 2-Two Timer (4) Gatighan Island(1)Iikot lang (7) Race 3 -May Be This Time (1) DaanBantayan (4) Here and Beyond (3) Race 4- Sizzling Hot (1) Jebel Ali (6) Camorra (4) Race 5 - Glitter Face (1) Puerto Princesa (2) Premiere Danseurs(4) Race 6 - Samal Island (2) Trusty Worthy (3) Kentucky Rain(1)
Race 7- Jun Tailor (3) Entry No.5, Hiroshima (6) WTA(1-7) 7-10/1-4-6/2-3-4/1-6/1-2/1-2-3/3 : Pick 6(2-7) 1-4-6/2-3-4/1-6/1-2/1-2-3/3 : Pick 5(3-7)1-4-6/2-3-4/1-6/1-2/1-2-3/3: Pick 4(4-7) 2-3-4/1-6/1-2/1-2-3/3





Comments