top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sobra-sobrang gastos ng mga kandidato, dapat bantayan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2019
2 min read

Vote-buying may bagong porma.

Dapat magbantay ang Comelec!

◘◘◘

ISYU ngayon ang sobra-sobrang gastos ng mga kandidato.

Agrabiyado raw ang mga walang badyet!

◘◘◘

Ang tanong: Bakit kakandidato ang tao kung wala naman siyang badyet?

May nananalo bang kandidato kahit kapos ng badyet kumpara sa kalabang “unlimited” ang resources?

Ang sagot ay oo!

◘◘◘

May mga pagkakataong nasisilat ang mayayamang kandidato.

Bakit nasisilat ang mga masasalaping kandidato?

Kasi hindi sila marunong gumamit o gumasta ng kanilang badyet!

◘◘◘

Sa totoo lang, mahalaga ang salapi o pondo sa pangangampanya, pero hindi ito ang pinakamahalaga.

Ang pinamakahalaga ay “diskarte” o maniobra!

◘◘◘

Kahit kakaunti ang badyet ng kandidato at natumbok niya ang tamang paggastos ng kakarampot na pondo, maaari niyang masilat ang mayamang kandidato na “walang direksiyon” sa paggastos.

Maraming mayayamang kandidato ang natalo sa eleksiyon!

◘◘◘

Marami ring pamilya ng mga last termer ang ikinandidato ang anak, asawa o kapatid sa eleksiyon na ginastusan ng malaking badyet, pero nang lumabas ang resulta ay nasilat.

Sa aktuwal, hindi kayang bilhin ng salapi ang 100 porsiyento ng mga botante!

◘◘◘

Ibig sabihin, hindi lahat ng boto ay maaaring mabili sa vote-buying scheme.

Maaaring makabili ng maraming boto, pero imposible na mabili nito ang “lahat ng boto”!

◘◘◘

May pagkakataon na epektibo ang “vote-buying” pero ito ay kumporme pa rin sa katunggali.

Epektibo ang vote-buying kapag dikdikan ang laban, kumbaga, neck-to-neck ang girian!

◘◘◘

Dapat nating maunawaan na ang parehong kampo ay maaaring magsagawa ng vote-buying kaya nagiging patas din ang proseso ng eleksiyon.

Pahusayan na lang ng diskarte at makinarya!

◘◘◘

Sa Pilipinas, mahirap patunayan ang vote buying.

Marami kasing klase ng vote-buying, partikular sa pamimigay ng mga materyal tulad ng bigas, gamit o libreng pagkain!

◘◘◘

Sinong bopol ang aamin na ibinenta niya ang kanyang boto?

Ano ang ebidensiya na nagkaroon ng vote-buying, may resibo ba, hindi ba, wala?

◘◘◘

Matagal nang problema ang vote-buying sa Pilipinas, pero hindi ito nareresolba.

Sa panahon ng krisis, tiyak na laganap ang vote-buying sa 2019 elections!

◘◘◘

Pero, alam ba ninyo na ang pagbili ng boto ay maaari nang simulan kahit ngayon pa lamang?

Sa mga lalawigan, ang pamimili ng boto ay pakyawan, pamilya-pamilya o angkan-angkan, si lolo lang ang babayaran, susunod na ang buong lahi!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page