top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

SINO ANG MANANALASA SA AFC CUP, SOKOR O AZKALS?

  • A.Servinio
  • Jan 7, 2019
  • 1 min read

KAGABI nagsimula ang matagal na hinihintay na unang laro ng Philippine Azkals sa 2019 AFC Asian Cup kontra sa Timog Korea sa Al Maktoum Stadium. Sumipa ang aksiyon ng 9:30 p.m.

Taglay ang sigaw na “To Dream The Impossible”, tiyak na papasok ang Azkals na dehado dahil ang mga Koreano ay ang kasalu­ku­yang numero 53 na kopo­nan sa buong mundo ayon sa pinakabagong FIFA Ran­kings.

Huling nagkampeon ang Taeguk Warriors noong 1960 at gagawin nila ang lahat para matapos ang kanilang 59 na taon ng paghihintay.

Ang Azkals ay numero 116 sa FIFA Rankings ngunit bilog ang bola. Magtatra­baho ng todo para makatala ng mga goal sina Phil Young­husband, James Younghus­band, Iaian Ramsay, Stephan Schrock at Javier Patino.

Nakatutok din ang atens­yon kay goalkeeper Michael Falkesgaard para harangan niya ang lahat ng mga bola ng kalaban. Tutu­lungan siya ng depensa na nakasalalay kina Carli de Murga, Daisuke Sato, Paul Mulders, Curt Di­zon at Alvaro Silva. Mainit na tinanggap ang Azkals ng mga OFW sa kanilang pag­dating noong isang araw galing sa ensayo nila sa Qatar kung saan natalo sila sa AFF Suzuki Cup champion Vietnam sa isang friendly match, 2-4, noong Disyembre 31.

Ang iba pang mga laro ng Pilipinas ay laban sa Tsina sa Enero 11 sa Abu Dhabi at babalik sila sa Dubai para harapin ang Kyrgyzstan sa Enero 16. Kailangan maka­mit ng mga Filipino ang isa sa unang dalawang pwesto sa kanilang grupo upang makasigurado na papasok sa knockout playoffs na sisi­mulan sa Enero 20.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page