top of page
Pokwang.jpg

LEONARD AT CURRY, GUMANTI SA BUCKS AT SACRAMENTO KINGS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2019
2 min read

RUMARAGASA tungo sa basket si Toronto Raptors forward Kawhi Leonard (2) habang binubuntutan ni Milwaukee Bucks guard Sterling Brown (23) sa third quarter NBA game na ito kahapon sa Fiserv Forum. (Reuters)

TUMAPOS si Kawhi Leonard ng 30 puntos, 6 rebounds, 6 assists at 5 steals nang panisin ng bisitang Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks, 123-116 sa NBA game kahapon.

Dumagdag si Pascal Siakam ng career best 30 points para sa Raptors na nanggaling pa sa nakadidismayang pagkatalo sa 125-107 sa San Antonio Spurs noong Huwebes. Dumagdag si Serge Ibaka ng 25 puntos at 9 rebounds, may natabong 21 puntos si Fred VanVleet habang tumapos si Danny Green ng 12 puntos, 9 rebounds para sa Raptors na tinalo ang Bucks sa unang beses sa tatlong paghaharap ngayong season.

Nasayang ang iskor ni Giannis Antetokounmpo na 43 puntos, sumunggab ng 18 rebounds para sa Bucks na nagwagi ng limang sunod at anim na diretso sa sariling balwarte.

Samantala sa iba pang laro, kumunekta si Stephen Curry ng sampung tres bilang bahagi ng 42-point performance upang matulungan ang Golden State Warriors na daigin ang Sacramento Kings, 127-123 sa laro na kumamada halos ng tres puntos na pinakamarami sa kasaysayan ng NBA history.

Nakapagtala ang Warriors ng 21-for-47 sa labas ng guhit habang ang Kings ay nakagawa ng franchise-record na 20 sa may 36 na tangka. Ang 41 na tres puntos ay isa sa nakaraang record na 40 set sa laro noong nakaraang season sa pagitan ng Minnesota Timberwolves at Cleveland Cavaliers.

Umiskor si Curry ng 20 sa kanyang 42 puntos sa fourth quarter, wala sa mas malaking three-point play off ng assist ni Draymond Green para ihatid ang Golden State sa 123-121 iskor sa nalalabing 2:03 minuto. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page