Kung maaaring i-donate o ipagbili ng gobyerno ang nakumpiskang counterfeit goods

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari bang i-donate o ipagbili ng gobyerno tulad ng Intellectual Property Office ang mga nakumpiska nilang counterfeit goods? — Joshua
Dear Joshua,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 10 (b) (iii) ng Republic Act (R.A.) No. 10372 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“iii. The condemnation or seizure of products which are subject of the offense. The goods seized hereunder shall be disposed of in such manner as may be deemed appropriate by the Director of Legal Affairs, such as by sale, donation to distressed local governments or to charitable or relief institutions, exportation, recycling into other goods, or any combination thereof, under such guidelines as he may provide;” (Binigyang diin)
Samakatwid, kung sa desisyon ng Director of Legal Affairs ng Intellectual Property Office (IPO) na ito ay nararapat, maaaring i-donate o ipagbili ng ating gobyerno ang kanilang nakumpiskang counterfeit goods.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments