Heavy equipments sinunog ng NPA
NEGROS ORIENTAL—Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga heavy equipment ng mga kumpanya, kamakalawa sa bayan ng Ayungon sa lalawigang ito.
Ang mga sinunog ay tatlong backhoe, payloader at dalawang generators na pag-aari ng mga hindi pinangalanang negosyante sa nasabing lugar.
May hinala ang mga awtoridad na ang pagtanggi ng mga negosyante na magbigay ng revolutionary tax ang posibleng dahilan kaya sinunog ng mga rebelde ang kagamitan ng mga negosyante.
Kasalukuyan nang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga NPA sa naturang bayan.





Comments