top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

BLUE EAGLES, LEVEL-UP SA ENSAYO PA-JAPAN PARA SA UAAP ’81 SEASON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 7, 2019
  • 1 min read

ILANG linggo bago magbukas ang Season 81 volleyball tournament ng UAAP, nag level-up sa kanilang ginagawang preparasyon ang Ateneo de Manila University sa kanilang pagtungo sa bansang Japan para sa 12-araw na training camp.

Umalis ang koponan ng Lady Eagles patungong Osaka, Japan para sa kanilang training camp na tatagal hanggang Enero 16.

Dito inaasahan ni coach Oliver Almadro na magiging pulido ang kanyang pag-upo para sa unang taon niya bilang mentor ng Lady Eagles sa UAAP.

Pinangungunahan ng mga graduating players na sina Bea De Leon, Maddie Madayag, Kat Tolentino at Ponggay Gaston, makikipag-tuneup ang Lady Eagles sa mga lokal na koponan doon. Sa pangunguna ng Kobe Shinwa Women’s University na syang host ng kanilang training camp sa pangangasiwa ni coach Kiyokazu Yamamoto.

Gustong makabawi ng Ateneo matapos na mabigo sa unang pagkakataon noong nakaraang season pagkalipas ng pitong taon sa Finals na nagkataong huling taon din ng pag-upo ng kanilang Thai coach na si Anusorn ‘Tai’Bundit. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page