Bgy. secretary todas sa riding-in-tandem
- Gina Pleñago
- Jan 7, 2019
- 1 min read

BINARIL ng ilang ulit hanggang sa mapatay ang babaeng barangay secretary ng riding-in-tandem sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Jackielyn Antonio y Santos, kalihim ng Bgy. 124, Zone 14.
Base sa ulat ni Pasay City Police Chief Senior Supt Noel Flores, naganap ang pamamaril sa biktima sa tabi lamang ng barangay hall.
Habang nakatayo si Antonio sa tabi ng bgy. hall nang sumulpot ang riding-in-tandem at agad na bumaba ang angkas bago pinagbabaril ang biktima.
Agad tumakbo ang gunman pabalik sa naghihintay na kasabwat na siyang nagmaneho sa motorsiklo patungong Aurora St.
Dinala ang biktima sa naturang pagamutan pero, idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Darius Cruz, attending physician.





Comments