top of page
Pokwang.jpg

2019 PHILRACOM COMMISH CUP GAGANAPIN SA ENERO 20

Green Lantern
Jan 7, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

AALAGWA ang pabuwenamanong pakarera ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang “2019 Philracom Commissioner’s Cup na gaganapin sa Cavite City.

Magaganap ang pakarera sa Enero 20 sa San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite ang paglalabanan ng pitong mananakbo.

Ang nasabing pakarera ay tatawid sa distansiyang 1,750 meters.

Pangungunahan ng mga kalahok na Electric Truth, Mandatum, Pangalusian Island, Radio Active, Salt and pepper, Sepfourteen, Sheer.

Ayon sa Philracom ang nasabing pakarera ay may nakalaan na P1.5 milyom na ang unang makakatawid sa finish line ay tatanggap ng P900,000.

Tatanggap ng P337,500 ang pangalawa, mag-uuwi ng P187,500 ang 3rd placer habang P75,000 ang 4th Placer. Tatanggap ng P60,000 ang Breeder ng mananalong kabayo.

Ang naturang pakarera ay muling paghaharap ng mga kalahok na Salt and Pepper, Sepfourteen at Electric Truth.

Pinapaboran ng “Bayang Karerista” ang Sep­fourteen at Salt and Pepper habang ang Electric Truth ay banta sa nasabing karera.

Ilang mananakbo ang aabangan ng “Bayang Karerista” ang Sizzling Hot at Puerto Princesa at Samal Island sa karerang magaganap sa Carmona ,Cavite bukas ng gabi.

Antabayanan din ang pagsikad ng Condition Race 16 na paglalabanan ng walong kalahok sa pangu­nguna ng Jun Tailor at couple entry na Lucky Saver at Lucky Julliane.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page