126 iniwang patay ng bagyong Usman

NASA 126 katao ang nasawi sa paghagupit ng Bagyong Usman sa mga rehiyon ng MIMAROPA at Regions 5 at 8.
Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 60 ang sugatan habang nasa 26 na iba pa ang nawawala.
Ayon sa NDRRMC, naapektuhan ng bagyo ang kabuuang 140,105 pamilya o katumbas ng 624,236 katao sa 876 na barangays sa CALABARZON, MIMAROPA at Regions 5 at 8.
Tinatayang nasa P2,073,518,500 bilyon ang pinsalang naidulot ng nasabing bagyo sa imprastruktura, samantalang, aabot naman sa P758,649,858.45 milyon sa sektor ng agrikultura.
December 29, 2018 nang mag-landfall ang Bagyong Usman sa Eastern Visayas na nagdulot ng malawakang pagbaha at landslides sa iba’t ibang lugar sa bansa.





Comments