top of page
Pokwang.jpg

Vendor bawal sa traslacion

mylene alfonso
Jan 6, 2019
1 min read

HINDI muna papayagan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga vendor na makapagtinda sa panahon ng Traslacion.

Ani Manila City Admi­nistrator Ericson Alcoven­daz, ito umano ay para maiwasan ang pag-iiwan ng napakaraming kalat at basura sa naturang mga lugar.

Mahigpit na ipatutupad ang “no vendor policy” sa Qui­rino Grandstand, sa pa­libot ng Quiapo Church at maging sa lahat ng rutang daraanan ng prusisyon.

Noong mga nakaraang taon ay naging maluwag umano ang lokal na pama­halaan at ang organizers at hinayaan ang mga vendor na makapagtinda sa natu­rang mga lugar.

Gayunman, laging ma­laking problema ang tambak ng mga basura na naiiwan sa mga kalsada matapos ang Traslacion kaya nagpasya silang maghigpit na ngayon.

Matatandaang, noong 2017 ay umabot sa 65 trak ng ba­sura ang nahakot ng Manila City government pag­katapos ng Traslacion habang 95 trak ng basura naman noong 2018.

Nagbabala rin si Alco­vendaz sa mga vendor na huwag nang magtangkang maglagay ng puwesto sa mga lugar na sila ay bawal mula sa bisperas ng pista ng Quia­po sa Enero 8 at maging sa araw mismo ng pista sa Enero 9 dahil huhulihin la­mang sila ng mga pulis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page