top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sex slave ng ama | 17-ANYOS NAG-SUICIDE

  • Jeff Tumbado
  • Jan 6, 2019
  • 1 min read

HINIHINALANG hin­di na kinaya ng 17-anyos na babae ang panghahalay sa kanya ng sariling ama kaya ito nagpatiwakal sa Sta. Rosa, Laguna, kahapon ng madaling-araw.

Una umanong hinala ng kaanak na iba ang naging dahilan ng suicide ng biktima.

Gayunman, dahil na rin sa nais ng kaanak at mga malalapit na kaibigan ng biktima na mabigyan ito ng hustisya ay nalaman ang to­toong dahilan sa insidente.

Sa pinagsama-samang pahayag ng pulisya mula sa tumestigo para sa biktima, napag-alaman na makailang ulit itong ginahasa ng kan­yang ama.

Ayon kay Supt. Eugene Orate, ang kawalan ng ak­siyon ng ina sa pangyayari ang isa rin sa mga dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

Gayunman, nakitaan na agad ng problema sa isasa­gawang pagsusuri at sa fol­low-up investigation ng pu­lisya ang hindi na pagpayag ng ina na isailalim sa aw­topsiya ang labi ng anak.

Giit ni Orate, sa physical evidences umano makikita kung ang biktima ay sadyang nag-suicide o pinatay.

Nalaman lamang ng mga awtoridad ang ginagawang pang-aabusong seksuwal sa biktima sa pagsisiwalat la­mang nito sa kanyang mga kaibigan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page