Pusher tepok sa shootout
Pabs Hernandez III
Jan 6, 2019
1 min read
LAGUNA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Nicolas, San Pablo City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jonald Moredo, nakatira sa Bgy. Lalig, Tiaong, Quezon.
Ayon sa ulat, bigla umanong bumunot ng baril at pinaputukan ni Moredo ang mga awtoridad nang malaman na mga pulis ang katransaksiyon nito sa bentahan ng shabu.
Mabilis namang gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments