top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga tagapayo sa palasyo, mahihina ang kukote?! Hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2019
  • 1 min read

WALANG kongkretong solusyon ang gobyerno para mapababa ang presyo ng mga bilihin.

Kasi ang solusyon ng gobyerno ay mag-import ng mga produkto para du­mami ang suplay!

◘◘◘

Malaking mali ang pag-import ng mga produkto.

Solusyon ‘yan ng mga ehekutibong mahina ang sentido-komon.

Hindi lahat ng pagpa­parami ng suplay ay mag­papababa ng presyo!

◘◘◘

Mababaw ang pang-unawa ng mga kolokoy sa tinatawag na “law of supply and demand”.

Applicable lamang ito kapag ang suplay ay mag­mumula kung saang lu­gar mismo kinakapos ng suplay!

◘◘◘

Pero, kapag pararamihin ang suplay gamit ang dol­yares bilang pang-import, kataran­taduhang solusyon ‘yan.

‘Yan ay solusyon ng mga mangmang sa pama­halaan!

◘◘◘

Gamit din ang “law of sup­­ply and demand”, maka­lilikha ng “demand sa dolyar” ang ekonomiya ng Pilipinas.

Kapag nagkaroon ng demand sa dollars, babag­sak ang halaga ng piso na siyang aktuwal na narara­nasan ngayon!

◘◘◘

Malinaw na mahina ang kukote ng mga tagapayo sa Malacañang.

Sa ngayon, malinaw na may krisis sa pamahalaan.

Ito ay ang kakapusan ng “utak” ng mga economic manager!

◘◘◘

Kung ang ipambibili ng suplay ay piso rin, maaaring makatulong ang pag-angkat ng suplay o produkto.

Halimbawa, kapos sa suplay ang Luzon, puwe­deng umangkat mula sa Visayas at Mindanao—ga­­­mit ang piso bilang pam­bili!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page