top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga “epalitiko” na naglagay ng posters para sa Pista ng Nazareno, lagot!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2019
  • 1 min read

“HAPPY fiesta”, ganito ang pagbati na nakalagay sa posters ng ilang mga “epalitiko” na sinamahan pa ng ka­nilang mukha sa kahabaan ng Quezon Boulevard sa Quiapo, gayundin sa rutang daraanan ng Poong Itim na Nazareno.

Gayunman, ang mga poster at tar­paulin ay maaaring makasagabal sa gaganaping Traslacion 2019 kaya binalaan ng Simbahan ang mga ta­takbong kandidato na huwag sanang gamitin ang okasyon para sa nalalapit na eleksiyon.

Ito ay banal na pagdiriwang kaya hindi dapat ito hinahaluan o ginaga­mit para sa pangangampanya.

Ayon sa Simbahan, babaklasin ang mga poster, lalo na kung ito ang ma­giging dahilan para may maaksidente o madisgrasya na mga deboto dahil paniguradong dagsaan ang mga tao sa Enero 9, 2019 para rito.

Bagama’t, hindi masamang bumati o magbigay ng mensahe para sa pag­diriwang, pinaaalalahanan natin ang lahat na kung masasayang lang din naman ang mga idinikit na poster da­hil babaklasin ito para sa pagha­handa, huwag na lang sanang ituloy o sa ibang paraan na lamang iparating ang pag­bati, gayundin na hintayin na lamang ang campaign period.

Bukod pa rito, halos lahat sa mga ito ay gawa sa plastik na masama para sa kalikasan kaya hindi talaga ito ma­kabubuti para sa lahat.

Samantala, panawagan natin sa mga deboto, mag-ingat nang sa gayun ay hindi mapahamak!

VIVA, JESUS NAZARENO!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page