top of page
Pokwang.jpg

Hirit ni Digong | ‘LENI’, IPANGALAN SA BAGYO

mylene alfonso
Jan 6, 2019
1 min read

NAGBIRO si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ipangalan ang isa sa mga bagyo kay ‘Leni’ o ‘Berna­dette’ na nagkataong panga­lan ng mga babaeng opisyal sa gobyerno.

Kabilang dito sina Tou­rism Secretary Bernadette Romulo-Puyat habang ang Leni ay maaaring si Vice-President Leni Robredo, mula sa Naga City, Cama­rines Sur.

Sa pagpu­pulong ng mga miyembro ng gabinete at lokal na opis­yal kaugnay sa bagyong na­nalasa sa Cama­rines Sur, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi umano siya pabor na ipangalan sa isang Mara­nao ang bagyo.

Ani Duterte, si Randy Usman, na kapanga­lan ng nagdaang bagyo ay kapatid nito sa side ng Ma­ranao. Dito na ipinasok ang birong dapat itong pangala­nan na Berna­dette, Leonora o Leni ngunit, pagkatapos nito ay tila bumawi ang pa­ngulo. “Alam mo dapat ‘yung mga bagyo ‘wag niyong pangalanan ng Usman. Si Randy Usman Maranao ‘yan, eh. That is my brother in the Maranao side. Mga Bernadette ganu’n, Leonora. Si Leni. No, we should not take her name in vain,” biro ng pangulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page