top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

GM SO, LALARGA SA PETMALU NA GIBRALTAR CHESSFEST

Eddie M. Paez, Jr
Jan 6, 2019
1 min read

SASABAK si Pinoy Grandmaster Wesley So sa masters’ bracket ng ma­lupit na 2019 Gibraltar Chess Festival simula sa Enero 22 hanggang 31 na susulong sa loob ng Ca­leta Hotel ng Gibraltar.

Suot ng dating Philip­pine Chess king na si So, 25-taong-gulang at may FIDE rating na 2765, ang “3rd seed” tag sa palig­sahan sa larangan ng stan­dard chess na tatagal ng 10 rounds at magkaka­loob ng gantimpalang £25,000 sa magkakam­peon.

Nakaharang sa da­anan ng tubong Cavite at world’s no. 11 ang mga super elite at highly rated woodpushers tulad nina GM Maxime Vachiere-Lagrave (pre-tournament favorite at may rating na 2780) ng France, ang nag­tatanggol na kampeon at Armenian gem GM Le­von Aronian (rating: 2767), ang matinik na speed chesser na si GM Hikaru Nakamura (rating: 2749) ng USA, GM Yangyi Yu (rating: 2764) ng China, pambato ng Czech Republic na si GM David Navara (rating: 2738), GM Arkadij Nai­ditsch (rating: 2734) mula sa Azerbaijan, Russian GM Nikita Vitiugov (ra­ting: 2720), GM Liem Quang Le (rating: 2714) ng Vietnam, si Ukrainian GM Vassily Ivanchuk (ra­ting: 2713), English ace GM Michael Adams (ra­ting: 2701) at GM Ivan Cheparinov (rating: 2691) ng Georgia.

Bukod sa kanila, may 232 iba pang chessers ang nasa listahan ng mga kalahok mula sa iba’t-ibang bansa at gustong maging bahagi ng win­ners’ circle na may naka­laan ding £20,000 para sa papangalawa at £15,000 sa magsasara ng podium ng kompetisyong gaga­na­­pin sa pang 17 pagka­kataon at itinuturing na isa sa pinakamalakas na open tournament sa bu­ong daigdig.

Maliban sa bakbakang masters, may apat na iba pang kategorya: Challen­gers A (52 entries), Chal­lengers B (58 entries), Amateur A (60 entries) at Amateur B (59 entries).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page