Dating co-star, kulong dahil sa droga… COCO, SUSTENTADO SI JULIO DIAZ NA NASA LOOB NG KULUNGAN
- BULGAR

- Jan 6, 2019
- 1 min read

SPEAKING of FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco Martin, patuloy pa rin pala ang financial support niya sa medical needs ng aktor na si Julio Diaz. Si Julio ay kasama dati sa serye ni Coco at kasalukuyang nakapiit dahil sa kaso ng droga.
Puwedeng magpiyansa si Julio para makalaya pansamantala pero kapos siya sa pambayad. Gusto man siyang tulungan ng mga kasamahan sa industriya pero nanaig ang pagtiis nilang ‘wag siyang tulungan para magsisi at maturuan ng leksiyon.
Habang nasa piitan ay nagkaroon din ng sakit sa balat si Julio na karaniwang nakukuha sa mga kasama niya sa kulungan. Nagpadala raw si Coco ng tulong na pinansiyal pang-medikal kay Julio, pero ‘di ang halagang kailangan na pampiyansa.
After eight months, may nakita naman daw pagbabago kay Julio. Naging malapit daw ito sa Diyos sa pagbabasa ng Bibliya at may mga pagkakataon na nagpi-preach pa raw ang aktor sa ibang inmates.
Hopeful naman daw si Julio na mabubuo muli ang kanyang pamilya pagkatapos siyang dalawin ng kanyang ex-wife na si Maricel na dating flight attendant at anak ng veteran actress na si Marita Zobel.
Kasamang dumalaw ni Maricel ang anak nila ni Julio na si Kari.





Comments