Caretaker natagpuang patay
Pabs Hernandez III
Jan 6, 2019
1 min read
KORONADAL CITY—Isang caretaker ang natagpuang patay sa pinapangasiwaan nitong gusali, kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktima na si Elizaldy Estorque, caretaker ng Duremdes Building sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa loob ng nasabing gusali.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang sanhi ng kamatayan ng biktima.





Comments