Bumanat sa ‘Yolanda’ victims na “bahala na sila sa buhay nila”, pasok sa Top 12 senatoriables, tsk-t
- BULGAR

- Jan 6, 2019
- 2 min read
KUNG SINO PA ANG NAGSABI SA ‘YOLANDA’ VICTIMS NANG “BAHALA NA KAYO SA BUHAY N’YO”, SIYA PA ANG PASOK SA TOP 12 SURVEY NG SWS — Sa hanay ng mga kandidato sa pagka-senador ng Liberal Party (LP) ay tanging si ex-DILG Sec. Mar Roxas lang ang pumasok sa Top 12, base sa latest survey ng SWS.
Pambihira, kung sino pa ang nagsabi noon sa ‘Yolanda’ victims nang “bahala na kayo sa buhay n’yo”, eh, siya pa ang pumasok sa survey, buwisit!
◘◘◘
SEC. DIOKNO, HINDI LANG SA P551 MILYON NG MANUGANG AT BIYENAN SCAM SUMABIT KUNDI PATI SA P332 BILYON ‘FLOOD CONTROL SCAM’ — Hindi lang pala ang P551 milyon “projects” na ipinagkaloob umano ni Budget Sec. Benjamin Diokno sa kanyang manugang at balae ang kinasangkutan nitong scam dahil ayon kay House Majority Floor Leader, Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr., sabit din daw ito sa “flood control scam” kasi nag-release daw ito sa kaban ng bayan ng P332 bilyon noong 2017 at 2018 na pang-flood control projects daw, pero ibinigay ang budget sa mga lugar na hindi naman binabaha.
Noon, kung makabatikos si Diokno sa katiwalian nang Aquino gov’t. akala mo pagkatinotino, pero nang gawin siyang budget secretary ni P-Duterte, eh, dito nabulgar na bulok din pala siya, pwe!
◘◘◘
SEC. DIOKNO, DAPAT NANG SIBAKIN NI P-DUTERTE! — Dahil sa mga ibinulgar ni Rep. Andaya tungkol sa mga katiwalian ni Sec. Diokno, sobrang bantot na ngayon ang pangalan ng budget secretary sa publiko.
Dahil dito, dapat pagbigyan na ni P-Duterte ang hirit ng mga kongresista na sibakin na niya si Sec. Diokno kasi lumalabas na kasiraan ito sa kanyang administrasyon, period!
◘◘◘
BATOCABE, PINATAY NG KRIMINAL AT AIDE NI CHONG, SABIT SA CRIMINAL SYNDICATE KAYA NAPATAY NG PNP — Naghihimutok si ex-Congressman Glenn Chong sa PNP kasi raw nalutas agad ang kasong pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, pero hanggang ngayon daw ay hindi pa nalulutas ang kasong pagpatay sa kanyang aide na si Richard Santillan.
Hindi dapat ikumpara ni Chong ang dalawang kasong ito kasi mambabatas si Batocabe na pinatay ng kriminal at ayon sa PNP, miyembro ng criminal syndicate ang aide ni Chong at nanlaban ito kaya napatay ng mga parak, boom!





Comments