top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

13-ANYOS NAGLAYAS, NI-RAPE

Levi Gonzales
Jan 6, 2019
1 min read

KULONG ang 26-an­yos na welder matapos umano nitong pagsaman­talahan ang 13-anyos na da­lagita sa Bgy. Ibabang Du­pay, Lucena City, Que­zon.

Sa panayam ng pu­lisya sa biktimang si alyas Rhea, ng Pagbilao, Que­zon, luma­yas umano siya sa kanilang bahay at nag­tungo sa Lucena City kung saan doon nito na­kilala ang suspek na si al­yas Jake, 26, walang asawa.

Dinala siya nito sa kan­yang kaibigan at doon uma­no sinamantala ang pagka­kataon.

Makailang ulit umano siyang inabuso ng suspek nang halos tatlong araw saka tuluyang tumakas at humingi ng tulong sa pu­lisya.

Agad namang nada­kip ang suspek at si­nam­pahan na ng kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page