Tricycle vs. kotse, 5 dedbol

LIMA ang nasawi sa salpukan ng kotse at tricycle sa Bgy. Laiya-Aplya, San Juan, Batangas, kahapon ng madaling-araw.
Nagkahiwa-hiwalay ang tricycle at nagkalat ang mga gamit at pagkain sa kalsada habang nakasalampak naman sa gilid ng kalsada ang puting kotse.
Sa inisyal na imbestigasyon, galing sa debut ang sakay ng dalawang sasakyan nang maganap ang aksidente bago mag-alas-3:00 ng madaling-araw.
Nasa 11 ang inisyal na bilang ng sakay ng tricycle habang anim naman ang sa kotse.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang kotse ang sumakop sa lane ng kasalubong na tricycle.





Comments