Tatay, 2 anak nalunod sa dagat, dedo

PATAY ang mag-aama makaraang malunod ang mga ito sa dagat kamakalawa ng hapon sa Bauang, La Union.
Kinilala ang mga nasawi na si Raul Rolan, anak na sina Justin at Nercy, pawang mga nasa hustong edad. naninirahan sa Baguio City.
Nag-inuman umano ang mag-aama saka nagkayayaan sa dagat para maligo.
Gayunman, hinampas umano ng malakas na alon ang mga ito saka tinangay sa malalim na bahagi ng dagat at dahil hindi marunong lumangoy, sabay-sabay silang nalunod.
Umabot sa isang oras bago natagpuan ang bangkay ng mag-aama.





Comments