top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pay hike para sa ilang gov't employees, malabo? Kaloka!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2019
  • 2 min read

MUKHANG maraming madi-disappoint sa unang payday ng taon. We are referring to our government workers na sana ay makatatanggap ng panibagong pay hike beginning January 15, na siyang ikaapat na tranche ng salary increase na inaprubahan ng nakaraang administrasyon.

Kaso hindi nga raw agad ito maipatutupad ngayon dahil pumalpak ang pagsasabatas ng 2019 National Budget noong Disyembre. Kung maaalala natin, sangkaterbang kontrobersiya ang lumutang na may kinalaman sa budget bago pa mag-Christmas break ang Kongreso kaya natengga ang pagpasa sa budget.

Dahil diyan, affected ang salary increase ng mga civilian at uniformed personnel kasi mag-o-operate ang gobyerno base lang sa reenacted budget, ibig sabihin, kung ano ang budget noong 2018 ay ito lang din ang budget sa simula ng taon.

National government personnel services (salaries, wages, pension and retirement) kasama na ang maintenance and other operating expenses (MOOE) ay nakabase sa budget noong 2018. Saklap!

Kaya tsumika na itong si Budget Secretary Benjamin Diokno na huwag na munang asahan ang salary increase sa first payday ng taon. Say pa niya, kailangan pang maghintay na maipasa ang 2019 budget bago matikman ang blessing na ito.

Pero, hindi raw dapat mag-alala dahil retroactive raw ito. Ibig sabihin, makukuha pa rin nila ang increase na ito kesehodang sa isang buwan o sa Disyembre pa maaaprubahan ang budget.

Isipin na lang natin mga friend na working in the government na nag-iipon kayo. Ikonsidera na savings ang salary increase na hindi agad maibibigay sa inyo. Sa sandaling maibigay na ito ng gobyerno, aba, agad-agad na itong ilagak sa bangko. Ngayon, ang tanging puwede nating gawin ay mag-wish na sana ay masolusyunan na ang 2019 National Budget.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page