PASIG, GINULAT ANG KYUSI; MUNTI, MALAKAS SA DATU CUP
- MC / Alvin Olivar
- Jan 5, 2019
- 2 min read

NANATILING buo ang pag-asa ng Pasig sa MPBL Datu Cup nang gulantangin ang Quezon City habang ang Muntinlupa ay umiskor ng malaking panalo kontra Pasay City sa laro na puno ng makapigil-hiningang tagpo noong Huwebes ng gabi na idinaos sa Alonte Sports Arena.
Ang binansagang worst team sa torneo na inilunsad ni Senador Manny Pacquiao kung saan si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang nagsilbing commissioner ay lumakas ang depensa ng Pasig at ginulat ang Quezon City tungo sa 98-95 win.
Ang panalo ang nag-angat sa Pirates upang putulin ang limang beses na pagkatalo. Bagamat ito ang ikatlo nilang panalo sa 17 laro, kaya marami pang kakaining bigas ang team, kailangang manalo sa mga susunod pa nilang nalalabing laro at makatuntong sa top 8.
Nahablot ng Quezon City ang three-game winning streak, may 9 na talo sa may 15 laro, pero nanatiling nasa 6th spot sa pahirapang northern division game ng mabilis na lumalagong regional amateur basketball league sa bansa.
Lumakas ang depensa laban sa Capitals ng Pirates. Rumehistro ng league-high 13 blocks sa pamumuno ni Exuardo Doroteo sa 7 shots.
Pinasuko naman ng Muntinlupa ang Pasay City, 80-67 at pinatibay ang kapit sa 2nd spot sa southern division.
Ito ang ika-11 panalo sa 16 games ng Cagers, kung saan ang dalawang players na sina Chito Jaime at Allan Mangahas ang unang dalawang miyembro ng 500-point club.
Kailangan lang ng 10 puntos para pumalaot sa 500-point plateau, unang nakapagtala si Jaime at sa sumunod na minuto ay ang katropa na si Mangahas.
Pero hindi lang sila ang may ganoong career milestone, si Felix Apreku ay may katulad ding marka. Nagtapos ang 6-foot-4 na hardworking frontliner ng 10 puntos at 10 rebounds upang rumehistro ng league-best 14th double performance.





Comments