top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Parak binentahan ng shabu, 5 tiklo

Maeng Santos
Jan 5, 2019
1 min read

ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa iligal na droga, kabilang ang isang notorious drug pusher na nagbenta ng shabu sa pulis sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Navotas Police Deputy Chief for Operation at Head ng SDEU Chief Insp. Ilustre Mendoza, ala-1:15 ng madaling-araw nang ikasa nila ang buy-bust operation kontra sa notorious drug pusher na si Edison Donato alyas Burnok, 27, at respon­sable umano sa pagpapakalat ng iligal na droga sa Market 3, Navotas Fish Port Complex.

Matapos iabot ni Burnok ang isang plastic sachet ng shabu kay PO1 Globert Bata na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money, agad kumilos ang back-up na mga operatiba at inaresto ang suspek.

Bukod sa buy-bust mo­ney at nabiling shabu, nare­ko­ber pa sa suspek ang dala­wang plastic sachets na naglalaman ng shabu habang dinakip din ng mga operatiba si Pedrito Bardilosa, 28, na sinasabing umiiskor ng droga kay Burnok at nakuha rin sa kanya ang isang plastic sachet ng shabu.

Habang nagaganap ang operasyon, naaktuhan naman ng mga operatiba na nasa perimeter security sina Jefferson Javier, 29, Argie Caliopas, 31, at Mariano Castañeda, 38, na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang nakabukas na kubo sa Market 3.

Ani Chief Insp. Mendoza, narekober sa mga suspek ang tatlong nakabukas na transparent plastic sachets na may bahid ng shabu at ilang drug paraphernalias.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page