top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagbibigay ng tamang sahod at benepisyo para sa mga opisyal ng barangay, dapat lang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2019
  • 2 min read

MALIGAYANG Bagong Taon muli sa ating lahat! Sana, lahat tayo ay ma­ging positibo ang pananaw ngayong taon at ipagdasal natin na sana, tuluy-tuloy na ang pag-ahon sa buhay ng mga kapus-palad nating kababayan.

***

Naalala natin n’ung minsang um-attend tayo ng barangay event, solid ‘yung pasasalamat nila na nagpunta tayo.

Palagi tayong pumupunta sa mga imbitasyon, lalo na kung walang na­unang commitment.

Malaki ang pag­papa­halaga natin sa mga barangay.

Ang barangay, kumbaga sa maya­bong na pananim, sila ang ugat — ang paunang buhay ng malusog na puno.

Hindi dapat sila inietsapuwera. Unang-una, hindi biro ang trabaho sa barangay, lalo na ang chairman. Sila ang unang hanay ng ating mga lingkod-bayan.

May panukala tayo ngayon — ang Senate Bill 2097 o ang Magna Carta for Barangays.

Dito, nilalayon nating kilalanin ang kahalagahan ng ating barangay officials.

Tulad ng mga regular na empleyado ng gobyerno, dapat makatanggap din sila ng sapat na suweldo at benepisyo at hindi lang puro honorarium.

Kung akala natin, easy-easy lang ang trabaho ni chairman, mali tayo riyan.

Kung may trouble sa barangay, away, patayan o anumang krimen, sila ang unang-unang sumasabak sa pagresol­ba.

Itaas natin ang pagtingin sa kanila dahil sila ang sandigan ng pa­mayanan.

Sa umiiral nating Local Government Code, walang kaukulang suweldo ang barangay officials.

Tanging buwanang P1, 000 honora­rium lang ang natatanggap ni kap habang P600 ang sa mga kagawad.

Sa panukala natin, dapat sumahod din si kapitan ng katumbas na suweldo ng Sangguniang Bayan member, ha­bang ang mga kagawad, dapat bawat isa ay sumahod ng katumbas ng 80 porsiyento ng suweldo ng SB member.

Ang KB chairman at barangay treasurer naman, dapat sumahod ng katumbas ng 75% ng suweldo ng SB member.

Liban pa riyan, nakasaad din sa pa­nukala natin na bigyan sila ng regular na allowance, insurance, medical at den­tal benefits at iba pang benepisyong natatanggap ng mga permanenteng manggagawa ng gobyerno.

Layunin natin dito na epektibong maipatupad ng barangay officials ang kani-kanilang tungkulin at matulu­ngan ang bawat barangay sa kanilang mga pangangailangan tulad ng malinis na tubig-inumin, maayos na transpor­tasyon, paaralan, health centers at ba­rangay hall na aagapay sa mga re­sidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page